Search your favorite song for free

1. Ako Ang Bayani

Ako Ang Bayani

"Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin" performed by Angeline Quinto. "Minsan Lang Kitang Iibigin" and " One Hello" performed by Gary Valenciano. "Tangi Kong Hiling" performed by Julie Ann San Jose. (This was the first time I've ever sequenced a song from start to finish on a laptop and a mini keyboard) "Ikaw Ang Magic Ng Buhay Ko" performed by Yeng Constantino. "Iskul Bukol 2011" Theme performed by Thor Dulay & Aries Sales. QTV11 Station ID "Kuwento" performed by Kyla. (Composed by yours truly) FROM RPG:Metanoia Soundtrack: "Ako Ang Bayani" performed by Jett Pangan. "Aminin Mo" performed by Julianne. "Game Na" performed by Jeanette Ricasio. "The Spaces In Between" performed by Ria Osorio. :-)

nothing at of , which is



3. IKAW ANG BAYANI

IKAW ANG BAYANI

words and music-kidd drums/percs-verdz bass-ambie guitars-kidd vox-tarr 1997

nothing at of , which is


4. BAYANI, ANG BAYANI AY IKAW

  • Published: 2017-07-14T05:43:15Z
  • By -iD
BAYANI, ANG BAYANI AY IKAW

nothing at of , which is



6. Ang Ganda Mo - Cue C (Cover)

  • Published: 2014-08-04T14:29:40Z
  • By Yani
Ang Ganda Mo - Cue C (Cover)

Pangit boses ko alam ko. HAHAHA. Pero just for fun lang naman. Austin ito na. HAHAHA

nothing at of , which is


7. BUHAY NA BAYANI (Musika at Titik ni Joel Costa Malabanan)

BUHAY NA BAYANI (Musika at Titik ni Joel Costa Malabanan)

Taong 1998 ko pa ginawa ang kantang ito. Ngayon ko lamang nahalungkat sa lumang e-mail ang mp3. Maiigi na ring maiparinig kaysa mapatago na lamang sa baul. Inirekord ko ito sa bahay ni Arturo Sierra sa Meadowood, Bacoor noong Agosto, 2007. BUHAY NA BAYANI Musika at Titik ni Joel Costa Malabanan Ano ang sukatan ng kabayanihan? May bayani pa kaya sa kasalukuyan? Marami pa, marami pa kaibigan Kung iyo lang pagmamasdan Ang tindera sa palengke na hindi nanlalamang Ang mabait na pulis na iginagalang Si tatay o si nanay na nasa ibang bansa Hangad ang pamilya ay guminhawa Sila'y buhay na bayani ng ating panahon Sa tulong nila ang baya'y babangon Sa sipag at tiyaga, sa pagkakaisa Ang kaunlaran ay abot-kamay na Ang titser na nagmamahal sa kanyang propesyon Kahit kulang ang sweldo'y may'rong dedikasyon Kabataang may panggalang sa mga matatanda Bayani rin sa huwarang gawa Mga magsasakang nagpapakain sa bayan Bayaning di dapat kalimutan Mga manggagawa kahit pa kontraktuwal Bayani rin kung puso'y marangal Sila'y buhay na bayani ng ating panahon Sa tulong nila ang baya'y babangon Sa sipag at tiyaga, sa pagkakaisa Ang kaunlaran ay abot-kamay na Kahit anong edad, bata man o matanda Ugali at gawa ang siyang magpapasya At ang kabayanihan maliit man o malaki Kayamana ng lahing kayumanggi! Sila'y buhay na bayani ng ating panahon Sa tulong nila ang baya'y babangon Sa sipag at tiyaga, sa pagkakaisa Ang kaunlaran ay abot-kamay na

nothing at of , which is


8. Bayani ng Panahon (cover)

Bayani ng Panahon (cover)

Vocals: Carla Palo and Kimberly Ronquillo Guitar: Jerome Maneja Song written, composed and originally performed by Ms. Bernadette Anillo Mahirap ring magsawa sa ulan Kung normal ng matulog ng luhaan Sa dami ng bagabag sa mundo Mahirap ring piliting magmatigas Ubos na'ng kukuhanan ng lakas at utas na rin ang puso ## Nalulunod, Nabibilaukan Nasasamid, Nababatukan Nadadapa, Napapaos Sugat-sugat, Walang matapos Ako'y tanga, walang makita Ako lang ba? Ang siyang kawawa? At naghihintay ng Kasama? Ako raw ang bayani ng panahon Di pa man malinaw ang solusyon Pagbibigyan pa rin ang aking bayan Di ko hahayaang mawaldas Pangarap ko ring maging wagas Di man barilin ako sa likod Ako raw ang bayani ng panahon Kahit na marami kang tanong Meron pa namang kinabukasan At tayong lahat Pilipino Umalis na sa anino Tama na'ng tamad, tara na't tumulong kahit sino Tuklasin, ang mga bayani sa'ting puso at taas noo sama-sama tayo hanggang dulo at maigi pa, sa bawat isa may kaunti pang maibibira ang mga pusong sarado na bigkasin isigaw ang iyong dasal tara na't sumama ka Ikaw ang bagong Jose Rizal kapos man ang aking kakayahan Di rin malinaw ang pupuntahan Sakali bang maging bayani ako Di na rin hahanap ng kapalit Makita lang mga ngiti niyo ulit ay sapat na sa'king puso Nalulunod, Nabibilaukan Nasasamid, Nababatukan Nadadapa, Napapaos Sugat-sugat, Walang matapos Ako'y tanga, walang makita Ako lang ba? Ang siyang kawawa? At naghihintay ng Kasama? *** Ako raw ang bayani ng panahon Di pa man malinaw ang solusyon Pagbibigyan pa rin ang aking bayan Di ko hahayaang mawaldas Pangarap ko ring maging wagas Di man barilin ako sa likod Ako raw ang bayani ng panahon Di pa man malinaw ang solusyon Pagbibigyan pa rin ang aking bayan Di ko hahayaang mawaldas Pangarap ko ring maging wagas Di man barilin ako sa likod (2x) Ako raw ang bayani ng panahon Marami rin naman akong tanong at Sana meron ngang kinabukasan...

nothing at of , which is


9. Sgt. Veronica - Bayani

Sgt. Veronica - Bayani

sgt. veronica - bayani (original composition) last january 2013.. para sating lahat.. lalo na sa mga mananalo ngayong eleksyon, sana ang mga uupo ay yung may katangian ng isang BAYANI.. \m/

nothing at of , which is


10. Bayani

  • Published: 2016-09-05T01:26:31Z
  • By TUBAW
Bayani

Para sa mga tunay na bayani at martyr ng sambayanan, mabuhay ang inyong diwa! Paragas!!! BAYANI Tubaw Music Collective September 1 , 2016 Ika'y kasama sa paglalakbay sa tuwina'y kaagapay sa kabiguan o tagumpay ikaw ang gabay lumipas man ang mga taon haharapin ang dapithapon bawat oras ay pagkakataon tumindig, bumangon Koro I: Di ka mawawalay pag-ibig kong tunay hindi ka maglalaho pintig ng puso// sa aming pagbabalik punung-puno ng pananabik ipagpapatuloy ang nasimulan ipagtatanggol ang kanlungan Repeat Koro Koro II Hinding-hindi malilimutan ang iyong kagitingan kabayanihan kailan pa man #SaveOurSchools #BringLumadsHome #StopLumadKillings #Justice (Photo credits: Inday Varona)

nothing at of , which is


11. BAYANI!.WAV

BAYANI!.WAV

BAYANI KA NA NATALO KA PA AY NAKU, ANO BANG NANGYARI SA IYO? BAT' DI MO LANG NAISIP ANG IYONG GINAWA HAY NAKU WALANG KUWENTA MABUTI PA NOONG SIMPLE KA PA BAT NGAYON ANG YABANG MO NA? UGALI MO NGAYON DI KO MASAKYAN BAT' KA BA NAGKA GANYAN? REF: BUTI PANG MAGTINDA KA NALANG NG DIYARYO O KAYA MAG SWIMMING SA BEACH (SHO-BE-DO-WAP) BUTI PANG MAGTINDA KA NALANG NG DIYARYO AHHHHHHHHHHHHH.... CHORUS: BAYANI KA BA, TALAGA? BAKIT NAMAN GANYAN ANG GINAWA ANG YABANG MO TALAGA AT BAT' MO NAMANG NASABING "BAYANI" KA......

nothing at of , which is


12. Bayani

Bayani

Sabi ni Jose Rizal, "Kabataan ang pag-asa ng bayan". Kaya naisulat ko itong kantang ito noong 2007. Hindi na kailangang mabaril sa Luneta, marami nang paraan para tayo ay maging... BAYANI Narito ka't nag-aabang Ng masasakyan patungong eskwelahan Kumain ka ng kendi kaibigan At tinapon ang balat sa basurahan Kung lahat tayo ay ganito 'Di tayo matatabunan ng basurang gabundok KORO 1: Bayani ka, kaibigan Huwaran ka ng Pilipino Kabataang disiplinado Ikaw ang sagot sa bayang problemado Narito ka sa eskwelahan Naglilinang ng iyong talino Nakikipagkaibigan, at kung minsa'y nakikipagligawan 'Di baleng hindi maging summa cum laude Basta't gamitin sa tama ang iyong pinag-aralan KORO 2: Bayani ka, kaibigan Huwaran ka ng Pilipino Kabataang edukado Ikaw ang sagot sa bayang problemado TULAY: 'Di mo na kailangang magpunit ng sedula 'Di na rin kailangang mabaril sa Luneta Ang mahalaga, malaya ka kaibigan Upang maipahayag at gawin ang gusto mo Huwag maliitin ang kaya mong gawin 'Pagkat ito na'ng simula ng makabagong rebolusyon KORO 3: Bayani ka, kaibigan Huwaran ka ng mundo Kabataang Pilipino Ikaw ang sagot sa bayang problemado Ipakita mo sa mundo Na kaya ng Pilipino

nothing at of , which is


13. Bayani ng Panahon

Bayani ng Panahon

Carla: Mahirap ring magsawa sa ulan Kung normal ng matulog ng luhaan Sa dami ng bagabag sa mundo Egbert: Mahirap ring piliting magmatigas Ubos na'ng kukuhanan ng lakas at utas na rin ang puso ## Bern: Nalulunod, Nabibilaukan Nasasamid, Nababatukan Nadadapa, Napapaos Sugat-sugat, Walang matapos Vince: Ako'y tanga, walang makita Ako lang ba? Ang siyang kawawa? At naghihintay ng Kasama? *** Bern: Ako raw ang bayani ng panahon Di pa man malinaw ang solusyon Pagbibigyan pa rin ang aking bayan Di ko hahayaang mawaldas Pangarap ko ring maging wagas Di man barilin ako sa likod Ako raw ang bayani ng panahon Kahit na marami kang tanong Meron pa namang kinabukasan Eric: At tayong lahat Pilipino Umalis na sa anino Tama na'ng tamad, tara na't tumulong kahit sino Tuklasin, ang mga bayani sa'ting puso at taas noo sama-sama tayo hanggang dulo at maigi pa, sa bawat isa may kaunti pang maibibira ang mga pusong sarado na bigkasin isigaw ang iyong dasal tara na't sumama ka Ikaw ang bagong Jose Rizal Kim: kapos man ang aking kakayahan Di rin malinaw ang pupuntahan Sakali bang maging bayani ako Philip: Di na rin hahanap ng kapalit Makita lang mga ngiti niyo ulit ay sapat na sa'king puso ## Ai: Nalulunod, Nabibilaukan Nasasamid, Nababatukan Nadadapa, Napapaos Sugat-sugat, Walang matapos Rocky: Ako'y tanga, walang makita Ako lang ba? Ang siyang kawawa? At naghihintay ng Kasama? *** Kim: Ako raw ang bayani ng panahon Di pa man malinaw ang solusyon Pagbibigyan pa rin ang aking bayan Di ko hahayaang mawaldas Pangarap ko ring maging wagas Di man barilin ako sa likod All: Ako raw ang bayani ng panahon Di pa man malinaw ang solusyon Pagbibigyan pa rin ang aking bayan Di ko hahayaang mawaldas Pangarap ko ring maging wagas Di man barilin ako sa likod (2x) Carla: Ako raw ang bayani ng panahon Marami rin naman akong tanong at Sana meron ngang kinabukasan...

nothing at of , which is


14. SCSPC | Bayani At Banal (Bataan, Bataan)

SCSPC | Bayani At Banal (Bataan, Bataan)

Studio Recording of Bayani at Banal (Bataan, Bataan) by Saint Catherine of Siena Parish Choir - Samal, Bataan. A poem by former Balanga Bishop Socrates B. Villegas, now Archbishop of Lingayen-Dagupan. Music by Maestro Ryan Cayabyab. BAYANI AT BANAL (Bataan, Bataan) Bantayog ng kagitingan Itong aming lalawigan Pinabanal at dinakila Bayang magiliw pinagpala Tapos na ang digmaan Narito na ang kapayapaan Tuloy pa rin ang paglaban Sa tukso at kasalanan REFRAIN: Bataan, Bataan! Peninsulang minamahal Tinawag maging banal ng Panginoong sa'yong humirang (Repeat 2x) Bantayog ng kagitingan Itong aming lalawigan Pinabanal at dinakila Bayang magiliw pinagpala Tapos na ang digmaan Narito na ang kapayapaan Tuloy pa rin ang paglaban Sa tukso at kasalanan BRIDGE: Kabanalan at kaparian Kabanalan ng sambayan Kabanalan at kabayanihan Hamon sa'yo Bataan, Bataan! (Repeat REFRAIN)

nothing at of , which is


15. Rock Ed Radio: Paano ba gumimik ang mga kabataan nung martial law?

Rock Ed Radio: Paano ba gumimik ang mga kabataan nung martial law?

40 years after Ferdinand Marcos declared Martial Law in the Philippines, many of us don't remember much about it or know only (what we think) are myths about that iron-fist season. So let's learn about Proclamation 1081 from another angle. "Paano ba gumimik ang mga kabataan nung martial law?" Let's listen to Atty. Chel Diokno, son of the late great Sen. Jose "Pepe" Diokno; Bernie Aquino, volunteer researcher of Bantayog ng mga Bayani; Joey Faustino, whose older brother disappeared in the 70's; and Cora Jasminez, researcher for Manila Times. Hosted by Gang Badoy and Lourd de Veyra, this episode aired on Sept. 21, 2007.

nothing at of , which is


16. Kami ang Pinoy - Jayce San Rafael (Original Song Demo)

Kami ang Pinoy - Jayce San Rafael (Original Song Demo)

Music and Lyrics: Jayce Mark San Rafael Vocals: Jayce Mark San Rafael Additional MIDI Instrument: Rebal Magdagasang This is the 25th Awitenista Version -- Not my version of this song. LYRICS: I Ito ang awit mula sa higit pitong libong pulo Sa bayan ng mga bayani, Sa duyan ng dangal nito Mula sa perlas ng Silangan patungo sa mundo Ito'y para sa'yo.. Pilipino II Ang kulay ng dugo pulo, bughaw, puti't dilaw Tuloy ang pagsikat ng araw mula sa pagkakalugmok Ilong man ay di matangos, balat di tulad sa kano Buo ang loob humarap sa mundo Chorus: Lilikha ng hiwaga, Magniningning ang pinoy Buksan ang palad, idampi sa kaliwang dibdib at bigkasin Kami ang Pinoy! III Likas na may malinis na puso, Ang ngalan mo'y Umaangat sa karamihan, tunay na ikalulugod At di maikukubli talento ay lubos lubos Yan ang Pinoy, Astig ang Pinoy IV Tamaan man ng delubyo, hindi patataob Bayanihan mangingibaw, hindi iiwan sa gulo Kahit pigtas pa ang tsinelas hindi sya hihinto Tuloy ang pagtakbo, tungo sa rurok REPEAT CHORUS Interlude: Lalaban, Hindi mapipigilan Papaparapapa! Narration: I believe in the power of my country Every Filipino’s worth of something We just have to believe in the power our dreams, in the power of our nation And most especially in the power of the Almighty We have been praised, We have been knocked But there’s nothing to be ashamed about Si Juan ay may maipagmamalaki, Si Juan ay babangong muli Tulad ni Manny Pacquiao, Venus Raj, Shamcey Supsup and all the beauty queens Boracay, Palawan, Charice, Arnel Pineda, Efren Penaflorida Lahat ng OFW’s, Lahat maipagmamalaki PINOY PRIDE, kapatid! Bridge: Wakasan ang bulong, Isigaw sa mundo Ipakilala mo ang lahi mo, Ikaw’y Pilipino Wag nang yumuko, Itaas ang noo Ipagmalaki mo ang lahi mo, Pilipino… Ako’y Pilipino

nothing at of , which is


17. ANG BANSA NG PAMBANSA (Vim Nadera-Lourd de Veyra)

ANG BANSA NG PAMBANSA (Vim Nadera-Lourd de Veyra)

ANG BANSA NG PAMBANSA (Vim Nadera-Lourd de Veyra) Arranger: Lourd de Veyra Vocalist/Performer/Instrumentalist: Radioactive Sago Project May Pambansang Sagisag itong mahal kong bayan: May Pambansang Bayani na si Gat Jose Rizal, May Pambansang Awit din itong Lupang Hinirang Na pati ang pagkanta'y pagmumulan ng away! Para itong Pambansang Alagad nitong Sining Na ginawang aliwan? Sa halip na aralin Kung bakit ang Pambansang Sayaw itong tinikling O sipa ang Pambansang Laro't Laruan natin? Samantalang sa suntok tayong lahat sumikat Sa bawat pagwagayway ng Pambansang Watawat. Kaya Pambansang Araw ay dapat na ilipat Sa laban ng Pambansang Kamao itatapat. Kahit ang kahayupan ay ating dinakila: Isa nga itong bangus na Pambansa na Isda Ngunit higit sa lahat ang pinaka-Pambansang Hayop ay ang kalabaw na may Pambansang Wika. Kung agila nga itong ating Pambansang Ibon Bakit ito ay galing sa salitang Espanyol? Ginawa pang pundasyon ang kinathang “Haribon” Gayong may katutubong pangalan na si Banoy! Mayroon ding Pambansang Puno tayo sa nara, Mayroon ding Pambansang Prutas tayo sa mangga; May Pambansang Bulaklak tayo sa sampaguita, May Pambansang Damo ba na di marijuana? Palay, bigas, kanin lang ang dapat na igiit Na Pambansang Halaman sa panahon ng krisis; Palay, bigas, kanin lang -- at hindi lechong biik -- Ang Pagkaing Pambansa, kung di man Pandaigdig!

nothing at of , which is


18. Anda 2 (Nasayo Na Ang Lahat)

Anda 2 (Nasayo Na Ang Lahat)

Ang pangalawang anda ay ang pagkakaroon ng bayani ng mahiwagang bagay/anting-anting/armas. Ang kantang ito ay naglalarawan sa mga mahihiwagang armas ni Agyu, at ginamit nito ang tono ng kantang Nasayo Na Ang Lahat ni Daniel Padilla. Narito ang Lyrics: Nasayo na ang lahat Mandirigma kang angat Mga armas panlaban Puno ng hiwaga Nasayo na ang lahat Mandirigma kang angat Kaloob sayong bagay Puno ng hiwaga Oh oh oh oh ohh Na-nasayo na ang lahat (2x) Lahat na mismo nasayo Ang bangkaw, kalasag at kulaloy Talo lahat sila sayo Kahit pa itapat ang kahit sino Ang handog ni Mungan na nganga Ay, napakapanalo Di akalaing, ito ay nakagagaling Nagiging maya pa! (Aww) (Koro) Ang kalasag na pananggol mo May gayak pang buhok ng kabayo Hindi rin kayang tangayin Ng kahit na anong hangin lamang Ang bangkaw na ubod ng tulis Sampu ang tinatamaan Di akalaing kulaloy pwedeng utusan Nagiging lawin pa! (KORO)

nothing at of , which is


19. Hukayin ang Libingan - feat. Neo Chie

Hukayin ang Libingan - feat. Neo Chie

Production by Sorry Na Dalrymple Rhyme by Neo Chie Lyrics: rebisyon ng kasaysayan atin bang hahayaan? kay rami ng kasalanan kalupitan sa taong bayan verse: proklamasyon diyes otsentay uno batas militar nilapag ni Apo masyado na daw pasaway mga pilipino kaylangan na daw ng disiplinang asero nakakalasing na kapangyarihan nilaklak nang isang tao lamang ang konstitusyon na institusyon pinunit pauli ulit tsaka sinilaban Si mccoy at mga unggoy na alaga sa kaban ng ating yaman nagpakasasa pinambili ng mga sapatos ni imelda di pa uso jordan's kundi naloko na sinong magbabantay sa mga tagapagbantay ng yaman ninanakawan kaban ng taong bayan mga kababayan sumigaw handang lumaban sagot ng rehimen karahasan ilang mga gabriela kanilang pinagsawaan mga aring ginawang pag aari pinaglaruan kinuryenteng inosente tanging kasalanan pagbunyag ng kalokohan at katotohanan ilang desaparasidos ang hindi nakauwi sa kanilang pamilya daig pa ang naulila ilang tingga sa sentido bulagta sa semento mga unipormado body count di kuntento ito ang pait na nakatatak sa dila kahit anong inumin di mawawala ang lasa mga buhay na nawala maibabalik pa ba? kanilang inutang mga apo natin magmamana taong bayan bigyan ng kanya kanyang pala sama sama hukaying labi ng kriminal na inilagak nila kasama ng mga bayani makalimot sa bangungot yan hinding hindi #MarcosARTrocities #Marcos100

nothing at of , which is


20. Game Na

Game Na

"Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin" performed by Angeline Quinto. "Minsan Lang Kitang Iibigin" and " One Hello" performed by Gary Valenciano. "Tangi Kong Hiling" performed by Julie Ann San Jose. (This was the first time I've ever sequenced a song from start to finish on a laptop and a mini keyboard) "Ikaw Ang Magic Ng Buhay Ko" performed by Yeng Constantino. "Iskul Bukol 2011" Theme performed by Thor Dulay & Aries Sales. QTV11 Station ID "Kuwento" performed by Kyla. (Composed by yours truly) FROM RPG:Metanoia Soundtrack: "Ako Ang Bayani" performed by Jett Pangan. "Aminin Mo" performed by Julianne. "Game Na" performed by Jeanette Ricasio. "The Spaces In Between" performed by Ria Osorio. :-)

nothing at of , which is